kahit umulan man o umaraw… payong ko’y iyong maaasahan…
Kapag gigising na ako nang 4:00 nang umaga para makapag-ayos upang pumasok sa work, lagi kong ipinipihit yung radyo sa istasyon na talagang for General Audience, like yung 90.7 Love Radio. Kailangan ko kasi makarinig nang mga kantang magpapainit nang dugo ko para mawala ang antok ko at magising nang tuluyan. Doon, maririnig mo lahat nang usong kanta, kahit yung mga kanta na tinatawag kong bakya songs. Yun yung mga songs na ‘pang-masa’ talaga, at hindi maaappreciate nang iba, unless masa ka. Kaya hindi ninyo ako masisisi kung kapag may tinugtog na bakya song e mapapakanta rin ako, kasi tuwing umaga ba naman e yan ang naririnig ko?



