May isang lalaki na sumulat sa ating tanggapan about sa nararanasan niyang hirap sa kanyang trabaho. Itago na lang natin siya sa pangalang Jose Macarena. Narito ang nilalaman ng kanyang sulat.
Hi P4!
Isa akong developer sa isang company. Gusto ko lang sanang malaman mo na avid reader ako nang blog mo. Marami akong natututunan sa iyong mga posts at ang iba ay naa-apply ko pa sa praktikal na buhay. Kaya naisip kong sumulat sa iyo dahil alam kong ikaw lang ang makakasagot sa mga katanungan ko. Ano ba ang gagawin ko pag pinepressure ako nang boss ko? Masyado kasing maraming dapat gawin, hindi ko na alam kung paano ko ito isosolve. Tulungan mo naman ako.
Nagmamahal,
Jose Macarena
Salamat Jose sa iyong liham. Ako ay nagagalak at isa ka sa maraming sumusuporta at nagbabasa nang blog na ito. Anyways, tungkol sa iyong liham, aking hihiramin ang ideya na inapply ng ma-alamat na si Barnabus Stinson tungkol sa kanyang Chain Circle Pyramid of Screaming. Isa itong konsepto na sinasabing kapag sinigawan ka nang mas nakatataas sa iyo, ang magagawa mo e sigawan yung nakabababa sa iyo. Kaya sa case mo na pinepressure ka nang boss mo, same thing. Ipasa mo yung pressure sa nasa baba mo. Take a look at this diagram that I made just for you:
Dito sa example na ito, makikita mo na ang pressure na ibinibigay sa iyo nang boss mo e maaari mong ipasa sa kahit na sinong na nasa ibaba mo, which in this case ay isang Junior Developer. Ngunit isipin na dapat ay nasa ibaba mo nga talaga siya, o nasa chain of command mo talaga siya para lang makapagpasa nang pressure. Dahil maaaring maging sanhi nang early retirement mo ang pagpasa nang pressure sa Junior Developer nang ibang project. Kaya mag-iingat ka.
I hope this helps. Nauunawaan ko ang iyong kinalalagyan ngayon at ipinagdarasal ko na makamit mo ang lubos na kaligayahan sa buhay.
Kinalaunan, natanggal nga sa trabaho si Jose Macarena dahil sa pagpasa niya nang trabaho sa mas nakakababa sa kanya. (P4: Ang sabi ko, PRESSURE. Hindi TRABAHO.) Ang The P4TAL ay taos-pusong nakikiramay sa pamilya at mga kaibigan ni Jose Macarena.



