Slave Driver I

Marami na akong naririnig sa taong ito, na tatawagin kong boss for quite some time. Well, kadalasan sa mga alam ko talaga about sa kanya e hindi first hand experience, kaya wala talaga akong karapatang husgahan siya. Ang alam ko lang, hindi siya papayag na makapagpahinga ka kahit saglit, dahil hindi tao ang magiging trato niya sa iyo. Para sa kanya isa kang makina na walang pakiramdam at hindi marunong mapagod.

Marami na raw ang nagresign na siya ang itinuturing na salarin. Totoo, dahil ilan sa mga nagreresign e kakilala nang kakilala ko. So dahil hindi first hand experience (and I hope wag naman sana) hindi ko rin masasabi kung yung mga ugali ba niya talaga e itutulak ka sa bangin nang resignation.

Ang nakakapagtaka lang is that, kung sadyang marami ang nagreresign dahil sa ugali niyang mala-Marcos, bakit parang walang nangyayari para mawala yung pagiging dictator niya? I mean, crap, marami na ang empleyadong umaalis. Wala pa rin bang someone na could speak up para kausapin ang damuhong iyon at nang sa gayon e magbago? Gaano kadami ang panahon at tao ang dapat mawala para lang may isang ulupong na magsalita at kausapin siya? Well I don’t know.

Simula sa araw na ito, pipilitin kong i-delete lahat nang impression ko sa kanya at tignan kung magagawa kong matagalan siya. Challenging, pero wala rin naman kasi akong magagawa. Though meron rin pala akong magagawa bukod sa pagsusulat nang resignation letter. Pero naisip ko rin kasi, hangga’t empleyado kaming dalawa dito at wala ni isa sa amin ang magreresign, for sure magiging magkatrabaho rin kami. So no choice kung hindi makisama. Pwede sigurong magpalipat kung talagang sagad na. Pero para kasi sa akin na wala pang first hand experience from that person, wala pa talaga akong karapatan na sabihin na ayaw ko sa kanya. Kasi invalid reason nga naman yung sabihing ‘kasi sabi ng iba ganito ganyan yang damuhong yan’.

The best way para malaman kung totoo ang sinasabi nang iba e ang masubukan ito na ako yung nasa front line. Hindi ako makakagawa nang tamang excuse unless hindi ko makikita o maririnig.

Abangan ang susunod na kabanata sa Slave Driver series na ito. ;)

0 Responses to “Slave Driver I”


  1. No Comments

Leave a Reply