Time Capsules

Madali lang gumawa nang time capsule. All you need is a PC na palagi mong ginagamit. Tapos pag nakagraduate ka na at nakapag-work, huwag mong bubuksan yung PC mo nang isa-dalawang taon. Kung bubuksan mo man, wag mong titignan yung mga files na ginamit/ginawa mo nung nag-aaral ka pa. Then after isa-dalawang taon, buksan mo yung mga files na iyon at matutuwa ka sapagkat mayroon ka nang time capsule!

Yan ang ginawa ko kaya ako tuwang-tuwa nung Linggo. Matagal ko na kasing hindi nabubuksan yung PC ko sa bahay dahil na rin sa walang habas na pagwowork at opisina-bahay routes. Tuwing weekends naman e hindi ko nagagamit yung PC ko nang madalas kasi nga naman, yun na lang yung mga araw na mapapahinga ako, so sa halip na mag-computer ako e naglalaro na lang nang PSP (parang ganun din e no?) o nanonood nang TV. Hindi ko man sadyain, talagang hindi na ako nakakagalaw sa PC ko kasi nga naman, talagang wala na rin akong panahon, at kung magkaroon man ako ng panahon, hindi ko na rin aaksayahin pa sa pag-upo lang sa harap nang isang PC na lagi ko nang kaharap during my work days. Kaya naman natuwa ako nung muli kong nabuksan itong computer ko noon ngang Linggo. So anu-ano yung mga nakita ko sa PC ko? Eto sila:

  1. Yahoo! Messenger Conversations - Ito yung mga pinakatagu-tago kong kayamanan. Tuwing nagrereformat ako dati, ito yung una akong bina-backup. Andito kasi yung mga conversations ko with other people, and kapag nababasa ko ang mga ito (through YM or through a decoder) natatawa ako sa sarili ko at sa mga smooth moves ko dati. :lol:
  2. Pictures - Hindi ako madalas makasama sa mga picture-picturan dati. Siguro dahil sa hindi ako masyado lapitin nang camera. Pero may mga ilan ding pictures dito na wala man ako sa nakunang eksena, ay nakapagpapaalala naman sa akin nang mga naging karanasan ko nung kinunan ang litratong iyon. Andoon din yung picture na ginawa nang kaibigan ko ‘as a gift’ daw para sa akin. Yun yung pinagtagping avatar ko at avatar ni April. (hindi ata alam ni April to. Nyahehe..)
  3. Mga installers at installed programs - gaya nang mga pictures, nagpaalala rin ito sa akin nang mga spots ko from the past, like yung mga applications na ginamit namin from thesis, yung mga ginamit ko sa pagcreate nang blog ko, yung mga ka-geek-an na stuffs like MS SQL Server, MySQL at PHP. Mayroon ding Java pero nung time na iyon, hindi ko talaga nakita ang sarili ko as programmer, kaya hindi ko masyado kinareer.
  4. Thesis/OJT Documents - Andoon pa rin yung mga documentation namin sa Thesis at OJT. Noong nabasa ko e hindi ko alam kung matatawa ako sa sarili ko o ano. Pati yung mga guidelines at mga forms para lang makapaghanda sa panel namin dati. Nakow, grabe, sa tuwing maaalala ko ito, napipicture ko yung sarili ko dati na sobrang confused na tipong ‘paano ako nakasurvive sa prof namin dati sa Thesis at OJT?’
  5. Resume - Ito yung resume na ginamit ko dati sa paghahanap nang OJT, and eventually sa paghahanap nang trabaho. Kung titignan mo yung resume ko, makikita ko talagang implicitly ayoko sa programming. Sa areas of interest ko, wala ang programming. Sa seminars and training attended, huling huli yung Java Programming Language na inattend-an ko. At sa Skills, nasa huling section yung ‘Knowledgable in Java’.

Nakakatuwa. Preserved pa rin ang mga lokong files. Too bad irereformat ko na yung hard disk ko. :twisted:

2 Responses to “Time Capsules”


  1. 1 MV

    LOL at #4 & #5. For me, I use my old hard disk drives as “time capsule”. Mura na lng naman HDDs ngayon kaya wag mo na iformat yan, bili ka na lang ng bago. :P

  2. 2 eFReeL

    sarap nga magbalik tanaw sa college days thru browsing old pics, thesis docs, ppt presentations for reporting and resumes (i still have a copy of your resume.. im gonna keep it in case i need something for blackmail.. nyahaha)…

Leave a Reply