Monthly Archive for September, 2008

Floor the Thirteenth

Mula sa mesa ko, tanaw ko ang isang building na itinatayo just a few blocks away from ours. Kaya naman kitang-kita ko kung paano nila itinatayo ang bawat palapag ng gusaling iyon. Mabilis ang progress nila, kasi one story per week sila (hindi kwentuhan ah). At kanina, nung binilang ko, 13th floor na pala ang ginagawa nila. Or should I say, 14th?

Continue reading ‘Floor the Thirteenth’

Operation Pasta

Nabasag ang ngipin ko last week habang kumakain (buti hindi ko nalunok) kami ni April sa Chowking. Sobrang panic talaga ako noon, na talagang pumunta ako ng CR doon para lang makita kung saang part yung may basag. Masyado kasi akong hysterical; dala na rin siguro ng takot kong magpabunot ng ngipin. Nakita ko nga, nabasag yung sa bandang bagang, at yun pa yung may pasta. Kaya naman ipinangako ko sa sarili ko na pupunta ako ng dentist sa darating na weekend. Dapat kasi last weekend pa ako nagpunta, kaso tinamad kaya hindi natuloy. Naku… katamaran ko talaga.

Continue reading ‘Operation Pasta’

Social Climber vs. the Cheesy Pops

Asar ako sa mga taong nag-aastang mayaman, pero ang hilig namang magpalibre. Tapos siya na nga yung ililibre, siya pa etong demanding sa gusto niyang kainin. Alam mo yung walang hiya? Siya na yun.

Continue reading ‘Social Climber vs. the Cheesy Pops’

MRT Refund

Nakakuha ako ng refund mula sa MRT nung Monday. Ewan ko kung bakit, pero kapag ipinapasok ko sa turnstile yung MRT Card ko, laging rejected. Naranasan ko yan nung papasok pa lang ako ng MRT nung araw na iyon. Nung papasok na ako, nagulat ako kasi rejected yung card. So ang unang idea na pumasok sa isip ko e lumipat sa ibang turnstile para subukan uli (hindi ako sumusunod sa nasa turnstile saying “TICKET REJECTED Go to Ticket Office”). Nung sinubukan ko sa isang turnstile, aba gumana! So akala ko ok na. Nung bumaba na ako ng Ayala Station at nung ipinasok ko yung card sa turnstile, ayaw na namang gumana! Sinubukan ko uli sa isa pang turnstile, thinking na makakaligtas uli ako. Pero wala na, ayaw na talaga. So I have no choice but to go to the Ticket Office para ipakita yung ticket ko. Ilang beses din na ipinasok nung mama yung ticket ko sa isang machine - siguro pangcheck kung magkano pa ang natitira sa ticket or kung saang station ka nagmula - pero parang hindi niya makuha yung details na kailangan niya. So tinanong na lang niya ako kung magkano pa ang natitira sa ticket ko at kung saan akong galing na station. Sabi ko 85 pesos, at sa Quezon Avenue ako sumakay.

Continue reading ‘MRT Refund’

Church Commercials

Disclaimer: Masamang post ang isang ito. Kung ma-ooffend ka, pwede mo na wag basahin.

Ang simbahan ay para sa mga tao na gusto ng katahimikan. Well katahimikan ng isipan. Pupunta ang mga tao sa simbahan para makakuha ng gabay sa mga bagay na gagawin nila sa hinaharap, o kaya e magpasalamat sa mga biyaya na natanggap nila from Him. Pero minsan hindi talaga pwede na hindi ka rin magkakasala habang nasa loob ng simbahan, kahit pilitin mong umiwas.

Continue reading ‘Church Commercials’