Ano ang The P4TAL?

The P4TAL is a satiric blog that tells my story as a young urban professional. Yung mga nangyayari sa akin sa pang-araw-araw ko na buhay, gusto kong ishare dito. I want to create a blog that will serve as a diary for me, and at the same time, a live book that writes a chapter of my life everyday. I won’t expect that many people would come and visit this piece of literary disgrace, but I will appreciate if you would come and waste some time stumbling upon my humble fortress of solitude.

Bakit ka tinatawag na P4 nang mga kaibigan mo?

Hahaha! Please…

Kailan nagstart ang The P4TAL?

Nagsimula ito nung July 16, 2005. Nageexplore lang ako noon sa cPanel ko, tapos naisip kong mag-install install nang kung anu-ano. Isa sa mga nainstall ko that time e yung WordPress. Naastigan ako sa software na ito na ginagamit sa pagbblog, tapos during those times, halos lahat nang kakilala ko e nagbblog na, so naisip ko na makiuso na!

Lagi ka atang me update dito araw-araw ah. Ilang beses ka ba magpost dito?

As much as possible, gusto ko sana from Mondays to Fridays, since yun yung mga days na matataas ang site traffic.

Napansin namin, wala na yung ibang post mo dito. Nasaan na ang mga posts mo dati?

Masyado kasing naging photocopied ang style ko nang pagblog sa The P4TAL before. I thought that was cool, pero minsan naiisip ko na parang hindi akin itong blog na ito since I am trying to follow other people’s style in blogging when in fact that wasn’t really me at all. Gusto kong umiba sa mga iniidolo ko sa blogging. Gusto kong magcreate nang sarili kong style, na proud akong sabihin na hindi ko lang basta ginaya sa iba. Kaya naisip kong i-reboot itong blog ko para ma-cater na yung mga ideas that defines me. Saka nung binabasa ko yung mga blog ko noon, natatawa ako sa sarili ko, kasi sa pagpupumilit kong magsulat nang blog in pure English, nagmukha akong trying hard dahil sa mga maling grammar ko. At dahil pure English, at (inaamin kong) hirap ako sa wikang ito, hindi ko naeexpress nang tama yung gusto ko talagang sabihin.

So ang ibig bang sabihin nito ay purong Tagalog na ang gagamitin mong language sa The P4TAL?

Ayoko rin naman na purong Tagalog lang. It’s safe to say na magiging Taglish ako dito sa mga posts ko dito.

Ano yung maasahan naming content sa The P4TAL?

More about my life now as a professional. Mga bagong naeencounter sa buhay na kakaiba, nakakainis at nakakatawa. Paminsan-minsan e baka me mga bagong kaalaman na mailagay. Siguro kaunting point of view sa politika ngayon (pinipilit kong wag na lang magcomment sa kanila kasi sumasakit lang ang ulo ko). Pero promise, less politics. Haha..

The Tux G2 Image used as Gravatar named ‘Sherlock Holmes Tux’ is created by Brunocb.