Sa mga fans ni Dan Brown, isang magandang balita: after the most criticized Da Vinci Code film, ipapalabas na next year ang prequel sa novel na ito: Angels and Demons.
Author Archive for P4
Hindi ko preferred ang araw ng mga patay. Mas gugustuhin ko pang magstay na lang sa bahay, at least wala pang traffic.
Hindi talaga kami nagpunta ng sementeryo ng pamilya ko. Matraffic kasi at wala naman kaming sasakyan. Bukod pa doon, hindi naman talaga kami nagpupunta ng sementeryo. Nagtitirik na lang kami ng kandila para sa mga kamag-anak naming sumakabilang buhay na. Nandito lang kami sa bahay at itinuturing ang dalawang araw na yun bilang mga pangkaraniwang araw lamang. Corny kung sa corny, pero mas gusto ko na ito, kesa naman pumunta sa sementeryo. Ang siste kasi niyan, imbes na magdasal kami para sa mga namayapa na, nagmimistulang reunion (nun ngang burol pa lang, hindi mo aakalaing burol pala yun e).
Nakasabay ko sa FX yung isang kasamahan ko sa office. Hindi niya ako nakita nung sumakay ako so hindi pa kami nagkapansinan. Dalawang tao lang ang nasa pagitan namin, pero hindi pa rin ako bumati, kasi wala ako sa mood noon. Nakasabay ko na rin kasi ito dati, at nung minsang gusto kong umidlip man lang muna e hindi ko nagawa kasi kwento siya ng kwento sa akin. So this time hindi ko na lang muna siya kinausap.
Nakuha ko lang ito mula sa isang mail… Not sure if the last part is true though.
An Atheist Professor of Philosophy speaks to his class on the problem Science has with GOD, the ALMIGHTY. He asks one of his new Christian Students to stand and…
Nung college pa lang ako, parati akong naisasama ng mga kaibigan ko sa mga kakaibang food chains. Isa na dito ay yung Jolly-Jeep (yung parang katawan ng truck na ginawang karinderya) na nagbebenta ng Sabaw ng Dragon™ (SOBRANG INIT na sabaw as in kumukulo pa). May ilan-ilan naman na may class, gaya ng isang Japanese restaurant na hindi ko na matandaan ang name. Basta lagi akong dinadala dito ni Glenn at ng mga kasama niya. Ayoko talagang kumain diyan at may times na nagsasalita talaga ako, kaso hindi rin naman ako ang nasusunod, so sunod pa rin ako sa kanila. Ako kasi basta edible masaya na ako. Well, never heard kasi sa akin yung mga foods nila doon so talagang parang out of place ako. Lalo na at kapag kumakain kami e ako lang ang nakakutsara at tinidor at sila e parang proud na proud pang naka-chopsticks and all that (naku lalo na yang si Glenn, parang model/endorser ng Japanese Restaurant na yun). Kaya nga napagtripan namin na picturan ako na nakachopsticks:



