Archive for the 'Views' Category

Payong!

kahit umulan man o umaraw… payong ko’y iyong maaasahan…

Kapag gigising na ako nang 4:00 nang umaga para makapag-ayos upang pumasok sa work, lagi kong ipinipihit yung radyo sa istasyon na talagang for General Audience, like yung 90.7 Love Radio. Kailangan ko kasi makarinig nang mga kantang magpapainit nang dugo ko para mawala ang antok ko at magising nang tuluyan. Doon, maririnig mo lahat nang usong kanta, kahit yung mga kanta na tinatawag kong bakya songs. Yun yung mga songs na ‘pang-masa’ talaga, at hindi maaappreciate nang iba, unless masa ka. Kaya hindi ninyo ako masisisi kung kapag may tinugtog na bakya song e mapapakanta rin ako, kasi tuwing umaga ba naman e yan ang naririnig ko? Continue reading ‘Payong!’

The Boat is Sinking…

Ano ang gagawin mo kapag nakikita mo nang lumulubog yung barkong sinasakyan mo? Lahat nang tao sa paligid mo, nagsisipag-suotan na nang life jackets at nagsisitalunan na sa tubig. Iyong iba nakikita mong sumasakay sa kabilang barko. Yung iba, nakikita mong lumalangoy lang sa tubig.

Continue reading ‘The Boat is Sinking…’

Incredible Hulk

Kakapanood ko lang nung Sabado ng Incredible Hulk. As I’ve said many times, hindi naman talaga ako mahilig sa mga comic book characters. Gusto ko lang nang closure. Like when I’ve had a copy of the Lord of the Rings trilogy, and when I’ve got the opportunity to watch Iron Man for free. I just felt the need na panoorin sila kasi “in” sila at the time. The show time was exactly 12:40 p.m., and 12 pa lang noon, so naghintay muna ako sa labas bago ako manood. After 40 minutes of roaming inside computer stores and record bars, pinasok ko na ang sinehan.

Continue reading ‘Incredible Hulk’

Sympathy Beggar

There’s one night habang nakapila ako sa may FX Terminal. Kagagaling ko lang nang office, at medyo masakit na ang paa ko noon kasi sobrang bagal nang dating nang mga FX taxi. During these times, ang ginagawa ko lang e ang aking favorite past time: daydreaming. That time ang pinapangarap ko ata e magkaroon ako nang super bilis na internet access sa bahay tapos puro ako download nonstop. Nasa nirvana na ako noon nang biglang may kumalabit sa akin. Normally kapag may nagtatanong sa akin nang “Anong pila ito?” o kaya “Saan po yung pila nang San Mateo?” sinasagot ko naman sila nang may galang. Pero this time nabad trip ako at ni hindi ko siya tinignan.

Continue reading ‘Sympathy Beggar’

Secondary Phones?

Kapag sumasakay ako sa MRT or kahit sa FX lang, madalas akong makakita ng mga tao na dalawa ang cellphones. Kadalasan, yung isang cellphone e super powerful, like mga N95, tapos yung isang phone e tipong luma na at medyo lowtech, like mga 3310, o kaya 2100.

Continue reading ‘Secondary Phones?’