Hangga’t maaari ayoko sumakay sa harapan ng FX dahil una, mapapahiya lang ako kasi itatanggi sa akin ang karapatan kong iyon dahil ang gusto lang niyang makatabi ay magaganda at sexy na babae para pwede niya matsansingan habang nagche-change gear siya. Pangalawa, may mga FX na sobrang sikip sa harap, na pang-isahang tao lang talaga, and since hindi na ako ganoon kapayat (and I’ve made peace with myself about that) alam kong hindi ako kakasya sa mga ganoong FX. Kaya dahil diyan, lagi akong sa likod sumasakay. Hindi kasi masikip doon, at kahit papaano e nakakahinga pa naman ako.
Archive
Itong si pareng Julian ay isang English chalk artist na kilala sa kanyang mga gawa na Trompe-l’œil (French, “trick the eye”) chalk drawings sa mga bangketa ng iba’t-ibang bansa. Ang technique nya ay tinatawag na anamorphosis which creates an illusion of three dimensions if viewed from a correct angle.
Mula nung nakita ko kung ano ang nangyari sa Friendster at sa mga users nito (haha) itinigil ko na ang pakikipagsocialize ko doon. Ni hindi na nga ako naglologin. Well, naglologin na lang ako kung me ichecheck ako na message galing sa mga friends ko na andoon. Pero after ko mareplayan yun, aalis na agad ako. Hindi na ako maglulurk doon checking out other people’s profiles. Boring na rin naman kasi, kasi either hindi ko mabasa dahil hindi nagcocomplement yung kulay ng font sa background color (hindi ko alam kung anong klaseng mata meron yung user na gagawing ganoon ang profile niya) o kaya ang daming mga streaming media na nasa profile niya na papatay sa bandwidth ko and soon sa employment ko kapag nalamang nagsstreaming ako. Kaya hindi na rin ako nagttyaga pa.
Yan ang palaging sinasabi ng nanay ko kapag nakakarinig siya ng mga taong hindi niya maintindihan kung ano ang sinasabi. Siguro ibang wika, o kaya kinakain lang talaga nila yung sinasabi nila. “Ay, Sprakenheights yang taong yan”, my mother says. Well pareho kaming bilib sa mga nagsasalita ng ibang wika, pero hindi kami bilib sa mga taong kinakain ang sinasabi nila.
Sa mga schoolmate ko po sa QCA, kahit ano pa kayong batch grumadweyt, meron na po tayong bagong tahanan sa Internet! Just go to http://www.kyoka.co.nr at magregister! Gawa ito sa Ning, isang online platform kung saan maari kang gumawa ng mga online communities at social networks. Kaya sa Kyoka site pwede kang gumawa ng sarili mong blog posts, mag-announce ng events, mag-upload ng photos, at makipagkulitan sa forums! At dahil social network ito, pwede mo ring i-add ang kapwa mo member as a friend! Kaya register na! (pwede na ba akong gumawa ng advertisement nito? hehe).



