Ayoko talagang magkaroon nang credit card. I don’t know, maybe I just don’t want a responsibility of paying credit card bills, or simply I don’t know the process. Nasabihan na rin kasi ako nang nanay ko na hindi magandang habit daw yung magkaroon nang credit card (no offense po sa mga credit card holders na. hehe) lalo na kung wala daw kontrol sa pagbili nang kung anu-ano. E ako pa naman, talagang minsan hindi ko rin mapigilang gumastos, so I guess hindi talaga para sa akin ang magkaroon nang credit card (and wala ako sa mood na baguhin ang ganoong lifestyle ko para lang magkaroon nang credit card).



