Sa pamilya namin, ako lagi ang inaatasan na gumising nang maaga para makapagpabasbas nang palaspas (wow rhyme). Hindi ko alam kung kailan nagsimula yun, basta ang nangyari na lang e sinabi sa akin ng nanay ko na “Anak, alam mo na ang gagawin mo sa Linggo. Ikaw ang in-charge diyan”. Since hindi nga naman nakakapagsimba talaga ang buong mag-anak (bihira yung chance na kumpleto kami talaga), ako na lang ang nagpapabasbas.
Tag Archive for 'reflections'
Pinalaki ako nang nanay ko na matutong mamuhay nang hindi umaasa sa iba. Well, iyan ang sabi niya, at iyan na rin naman ang napapansin ko kahit papaano. I remember one time nung umiyak ako nung bata ako kasi nagpaimportante yung isa kong kalaro at hindi ako pinansin. Pinagalitan talaga ako nang nanay ko, saying “hindi magkadugtong ang bituka ninyo. Kung ayaw niya, e di wag. Wag ka papaapekto diyan”. Kaya mula noon, natutunan kong maglaro, kumain, at mamuhay mag-isa.
DISCLAIMER: Bubusina lang ako sa mga posibleng matamaan. Hindi ko po balak na kalabanin ang mga religious sect (isa sa mga dahilan e wala akong time). Ang blog entry na ito ay para lamang sa mga taong ubod nang taas ang tingin sa sarili, na pinipilit nilang isipin na sila ay sobrang banal. Maselan na usapin ang relihiyon, at posible na kahit hindi ikaw pinapatamaan nang blog na ito, maaari ka ring masaktan. Kaya maaaring huwag mo na lang basahin. Read at your own risk.



