Marunong ako mag-English. Pero hindi ako magaling mag-English. Bali-baliko ang grammar ko, tapos pilipit ang dila ko. Siguro pwede pa ako sa writing. Pero sa oral communication? Oh c’mon.
Tag Archive for 'Work'
May isang lalaki na sumulat sa ating tanggapan about sa nararanasan niyang hirap sa kanyang trabaho. Itago na lang natin siya sa pangalang Jose Macarena. Narito ang nilalaman ng kanyang sulat. Continue reading ‘Pyramid of Pressure™’
Marami na akong naririnig sa taong ito, na tatawagin kong boss for quite some time. Well, kadalasan sa mga alam ko talaga about sa kanya e hindi first hand experience, kaya wala talaga akong karapatang husgahan siya. Ang alam ko lang, hindi siya papayag na makapagpahinga ka kahit saglit, dahil hindi tao ang magiging trato niya sa iyo. Para sa kanya isa kang makina na walang pakiramdam at hindi marunong mapagod.
Ano ang gagawin mo kapag nakikita mo nang lumulubog yung barkong sinasakyan mo? Lahat nang tao sa paligid mo, nagsisipag-suotan na nang life jackets at nagsisitalunan na sa tubig. Iyong iba nakikita mong sumasakay sa kabilang barko. Yung iba, nakikita mong lumalangoy lang sa tubig.
Maaga akong nagising nung Sabado, dahil alam kong magkikita kami nang 11:30 a.m. sa office para makalarga na sa destinasyon namin sa Laguna. Medyo napaaga lang ako nang kaunti kasi malayo ang bahay namin sa kabihasnan. As usual, nakarating ako doon nang 10:00 a.m. Tinawagan ako nang isa kong kasama kasi yung lechon na inorder namin e kasing aga kong dumating. Irereceive ko na sana, kaso di pa pala bayad at hindi pa sapat yung dala ko, so umakyat na lang muna ako. Buti at may kasama na ako doon nung pagdating ko, at willing naman siyang maglabas muna nang pera para mabayaran na yung lechon. Medyo nagmuscle-building ako kasi ang bigat nung lechon, o baka mabigat lang kasi yung patungan niya e kahoy ata.



